March 19, 2007

song selection v2

remember marie's assignment? i thought of a song already. it's called "ang lahat ko ay ikaw" by wency cornejo. i so like the tune. it's not too slow and the lyrics (even the title) is perfect for a wedding.

i've uploaded it so she can have a listen. here's the link
http://savefile.com/files/561762

March 18, 2007

2007 phr fan's day

Kahapon ginanap ang fan's day ng phr at sa sm san lazaro ang venue. successful naman ang pagtitipon, kaya lang sobrang nakaka-conscious. pinaupo kasi nila kami sa harapan tapos nakatutok sa amin yung spotlight. ang init ha, kahit naka-aircon kasi nga nasa loob ng mall, ang init pa din. tapos pinagsalita pa nila kami sa mic... traumatic! sobrang hindi ko alam ang sasabihin ko. hindi ko naman kasi napaghandaan ‘yon. tapos never ko talagang nakawilihan ang magsalita sa harap ng maraming tao. i'm shy eh (seriously). nag-auto mode na lang tuloy ang utak ko. hindi ko na maalala yung mga pinagsasabi ko doon.

ang pinaka-hindi ko makakalimutan ay yung flowers na binigay sa akin ni marge. sobrang unexpected, sobrang nakaka-tats. kamuntik na nga akong maluha eh (seriously ulit)… thank you marge. ang sweet mo, as in :)

bale, nagsimula ang kaganapan dakong alas tres ng hapon at natapos bandang alas sais. sinabay na rin nila yung launching ng phr website. tapos in-introduce din yung gold card ng precious stores. masaya sya. ewan ko sa iba pero ako, nag-enjoy ako. may song numbers. kumanta si jessie ng editorial tsaka si amanda (the writer) tapos dalawang fan (rowena & icah)… may parlor games pa, may raffle, may question and answer, tsaka siyempre book signing. ang host eh isang nilalang na kung tawagin ay richard agtaparap.

click n'yo ITO. nandiyan ang ilang pictures nung event. kung isa kayo sa mga mukhang naririyan at gusto n'yo ng kopya ng picture, e-mail n'yo lang ako, papadalhan ko kayo ng mas malinaw na kopya, okie?... almirajose@gmail.com

ps. singit ko lang. MARIE if you're reading this, i wore the pants you gave me sa event :)

March 17, 2007

my bundle of joy

she's just too cute :)

song selection

may assignment ako from marie. i've to think of songs for her wedding reception specifically for the grand parade, couple's entrance, cake cutting, and waiter's parade. help! i'm drawing blanks. duda ako na makakaisip ako ng kanta kasi hindi naman ako mahilig sa mga love songs eh. suggestments anyone?

speaking of weddings, come june aabay ako sa kasal ng lukaret na si jane. di ko pa alam kung ano ang nakatoka sa akin, kung candle ba, o cord, o veil. basta isa sa tatlong 'yon. oks lang kasi its nice to play dress up once in a while. ang medyo hindi ko lang ma-take ay ang color ng gown... violet and fuchsia pink! saan ka pa?

March 15, 2007

peek-a-moo

in an earlier post, i've mentioned something about my having a cat for a pet. for the non-believers out there thinking that moi--as in si mox--has a cat!? wtf? well i would like to enter into evidence exhibit A

meet moby aka mr.moby aka moo-moo-cat


syempre, maaari ba namang mawala si bubba sa eksena? here's my bundle of joy doing her peek-a-boo routine.

March 11, 2007

namaste

Problem: Kalagitnaan na ng Marso, uhaw na uhaw na sa post ang blog na 'to. Ang kaso, tinatamad pa akong magsulat
Solution: Ilalagay ko na lang ang tugon ko sa email ng isang kapatid sa panulat. Heto na...


Hello ******,

It’s so nice to hear from you again. I’ve been wondering how you were. Now I know you’ve been swimming in contemplative waters. The mystery of life’s meaning kamo? Hay naku, napakahirap sagutin ng katanungang ‘yan. I’m sure even the wisest of sages can’t figure that one out. Tayo pa kaya na mga ordinaryong nilalang lang? It’s so hard to keep up with life. Sometimes when you think you’ve got everything figured out and then life throws you a curb ball and you’re back to groping for answers again.

Kaya nga ako, pause muna sa pag-iisip. Pakiramdam ko kasi mababaliw lang ako nagpursige ako. For now, I just let things come and handle the punches the best way I can. Although I have to admit I’m scared shitless. Who wouldn’t be? Life is daunting. Agree or disagree?

Honestly, I’m not so sure anymore if I’m heading down the right track or not. Reality is a bummer, it keeps pulling my head out of the clouds. Problem is, I find the alternative roads before me to be less appealing. Utmost in my mind right now is this question: am I indulging myself too much to my own detriment? Nakaka-lokang mag-isip ng sagot sa tanong na ‘yan kaya nga sabi ko pause muna ako sa pag-iisip. What I know for sure is that the idealist inside me is putting up a great fight.

Now on to writing and money. Your friend is absolutely right. We shouldn’t dwell on our discontent because of the meager amount we receive. Of course that’s easier said than done. I try my hardest not to equate writing with money. Kasi kapag naiisip ko ‘yon, ang sama ng i-therefore-conclude ng utak ko. Nakakahiya mang aminin pero may mga pagkakataong naglalaro sa isip ko ang ideyang ba’t ko ibubuhos ang lahat-lahat-lahat ko sa panulat ko kung ang katumbas ay kakarampot lang naman? Mali eh. Ang sagwa. Kaya erase, erase, erase… Nanunood ka naman ng Dr. Phil di ba? I’m sure alam mo yung tungkol sa frequently used line niya about currency. Iyon na lang ang iniisip ko para hindi ako gaanong madismaya. The thing is, nadidiktahan ba ang utak?

* a very deep and long sigh *

Tama na nga ang introspection, sumasakit na ang ulo ko. Shrug off the worries na lang para masaya, di ba? Ngiti na lang tayo. Life will sort itself out.