January 05, 2005

si scott at si andy

Kagabi, habang nagtsa-channel surf ay nasumpungan ko ang isang palabas sa Star Movies na kinabibidahan ni Scott Baio. Noong una hindi ko siya talaga nakilala. Hindi naman nagbago ang mukha niya mula noong Charles in Charge days niya. Nag-mature lang siya ng kaunti. Siguro, sadyang sakit ko lang talaga ang matagal maka-recognize ng mukha.

The Bread, My Sweet ang title ng pelikulang napanood ko. Ang corny noh? Pero maganda naman yung kuwento. Makaka-relate tayong mga Pilipino kasi umiikot ang istorya sa pamilya. Medyo surreal nga lang. Bakit ko nasabi? Well, sino ba naman ang matinong lalaki na magpo-propose sa isang babae kakikilala lamang niya?

Isa pang napanood ko ay ang The Man from Elysian Fields starring Andy Garcia. Bale ang siste, I slept with thinking of Scott and woke up to Andy.


Sweet.

No comments:

Post a Comment