September 06, 2004

mabuting tao ba ako?

Lagi kong katwiran
marahil kaya mabait sa akin si Lord
ay dahil mabuti akong tao.
Bagaman bihira kung ako ay magdasal
at lalong bihira kung ako ay magsimba,
gusto kong isipin na isa akong mabuting tao.

Sa abot ng aking makakaya,
iniiwasan ko ang magkasala.
Alam ko ang tama sa mali,
at lagi ay doon ako sa tama.

Pero ano ba ang batayan ng kabutihan?
Marami akong hangarin.
Subalit kulang ako sa kusa.
Gusto kong tumulong sa kapwa ko.
Gusto kong mag-ambag ng kabutihan sa mundo.
Pero hanggang sa isip lamang.
Paminsan-minsan abot hanggang salita.
Ngunit nunca sa gawa.

Mabuting tao ba ako?

No comments:

Post a Comment