oo nga't mabenta ang tagalog romance kung ikukumpara sa ibang locally published books pero within the genre hindi na healthy ang competition, isa-isa ng nawawala ang mga T.R. publications. iilan na lang ang lumalaban... hindi ko alam kung mabuti ba 'yon o hindi... kung totoong malakas ang T.R., di ba dapat hindi sila nababawasan bagkus ay nadaragdagan?
sa ngayon, maganda para sa publication na kinabibilangan ko ang nangyayari dahil nabawasan ang kaagaw niya sa market... hindi katulad noon na mahigit sampu, ngayon mabibilang na lang sa isang kamay ang mga T.R. publications... sa ngayon, ok pero sa susunod na mga taon, ok pa din ba?
im not an economist pero ang alam ko, malalaman mo kung may demand para sa isang produkto kapag marami ang naglalaban para makapag-manufacture ng nasabing produkto... minsan nga isa lang ang manufacturer pero iba-ba ang brand names na nilalabas di ba, halimbawa na ang shampoo... ilan ba ang shampoo ng P&G, ng uniliver, ng colg-palm???
i-compare natin sa shampoo ang nangyayari sa T.R. industry... lets say nawala ang colg-palm, nalugi... later on ang uniliver naman ang nawala, nalugi din... P&G na lang ang naiwan, sila kasi ang pinakamatibay, survival of the fittest wika nga... ano sa tingin mo ang gagawin ng P&G? ...im guessing ibababa nila ang quality nila ...wala na kasi silang kalaban eh... that's not good right?
ang feeling ko doon patungo ang T.R. industry... i have to admit, ngayon pa lang ay may senyales na na unti-unti nang nasa-saturate ang market... kaya nga nagkaroon ng puwang para sa bangketa books eh... kapag nagpatuloy ito, baka ang mangyari sa halip na pataasan ng quality ay pababaan ng quality ang ang maging labanan... ayoko!
what to do...what to do... hmmm
xxx sakaling may taga-PW na makakabasa nito...
oo na, alam ko, bumenta na ang nakasulat sa blog na 'to! :P
September 10, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment