over the years, may mangilan-ngilan na rin akong naisip na serye pero lahat nasa utak ko pa rin hanggang ngayon. isa pa lang ang natatapos ko. sapilitan pa dahil nagkasubuan na kaya kailangang kumpletuhin.
five is to one ang ratio ko. meaning out of five series ideas so far, isa pa lang ang okay na. ang saklap! ang sarap mag-isip ng plot/series idea pero ang hirap i-'beef up' para maging manuscript. pinangunguhan kasi ako ng halu-halong ek-ek kaya ganoon. at saka napaka-impatient ko pa. gusto ko isang upuan lang tapos ko na yung manuscript. ang kaso, hindi naman ako superhuman.
minsan inorasan ko ang sarili ko, 1000 words in an hour ang pinakamabilis ko. ibig sabihin, kung tatapusin ko ang isang libro i'll have to make like mel t. as in beinte-kuwatro oras kailangang naka-super glue ang mga daliri ko sa keyboard.
and so, dahil alam kong hindi ko naman matatapos noon at noon din yung libro, tinatamad na akong simulan. ewan! ang labo ng mental process ko. medyo baliko lang naman. but that's just the way it is with me.
ang tagal kong pinag-isipan kung ilalagay ko ba dito sa blog 'to yung mga layouts na nagawa ko. baka lang kasi magaya, maunahan pa ako (paranoid ba?) up to this point, while i'm typing this paragraph, i'm still unsure if im going to upload the pics or not. pero naaaliw kasi ako sa kanila kaya parang ang sarap i-share. hay naku. bahala na. ang manggaya di marunong mahiya sa sarili.
ang cute di ba?
postscript:ewan ko ba naman kung bakit ito ang inaatupag. dapat kina-career ko ngayon ang pagsusulat. kahit bumabagyo, amoy ko pa din ang simoy ng pasko. tapos nadagdagan pa ng isa ang listahan ko ng mga inaanak (see previous post)... gusto kong kutusan ang sarili ko. toink.
No comments:
Post a Comment