Birthday month ni Bubba ko ngayon! She's eleven already, tanda na 'no? Ang lifespan kasi ng small dog is fifteen years. She's what is known as a geriatric dog. Pero quiet ka lang ha, hindi kasi niya alam 'yon. Feeling niya puppy pa din siya! This is her near the time when I first got her.
Hindi ko na maalala kung kailan yung exact date ng birthday niya. Ang bad ko no? Tagal na kasi nu'n at saka hindi naman kasi sa akin lumaki si Bubba. The first five years of her life she spent with my friend Chin.
Here's how the story goes. Yung dog ko talaga, si Yondale. Siya yung mom ni Bubbles. Lookie:
My dog before her was Charugi. Actually, Sheronge dapat meaning cute kaya lang pangit pakinggan kaya ginawa kong Charugi. Minana ko pa siya sa Korean tenant ng kuya ko noon. (Oh, how they love their bawang!)
After I bought Yon way back 1993 from an unreputable breeder in Dapitan, naglayas Charugi. Yes, naglayas! Iyon talaga ang hinala kong nangyari. Hindi naman kasi siya lumalabas ng gate namin pero this one time lumabas siya. Sa tingin ko nagselos siya ng todo kay Yon. I'm guilty of favoritism kasi. I was in school then when it happened kaya hindi ko siya nahanap agad. Siyempre pa, dahil takaw pulot ang mga asong tulad n'ya, hindi ko na s'ya ulit nakita. Unfortunately, wala akong digital pic niya so I can't show you how she looks like.
2001 nang mawala si Yon. Nakalabas din siya ng gate mag-isa. This time I don't think naglayas siya. Lakwatsera de primera kasi 'yon. Much like Bubba. I remember, the first couple of weeks after I lost her, hindi talaga ako mapakali. Ilang beses kaming nagronda ni Andre sa neighborhood to no avail. Nagpakalat din ako ng flyers/posters again to no avail. Up to now I still miss the bi-atch. *sniff, sniff* Kung sino man nag-dognap sa kanya, leche siya!
Through the years, marami ng naging puppies si Yon. Blame it on Mico, my other dog. Sa kanya nagmana si Bubba sa looks department. Hyper-active ang sex life ni Mico at Yon which was fine by me dahil dagdag income, hehe.
Much as I wanted to, I can't raise all their pups. Kay Chin napunta si Bubba. Pero nang mawala si Yon, pinahiram niya sa akin si Bubba. Until I decided to give her back after a week. Sabi ko, kapag nagtagal pa sa akin si Bubba baka hindi ko na magawang isauli pa siya.
About a month later, Chin called me up to tell me na may sakit daw si Bubba. She wanted me to take care of her kasi hindi daw n'ya magagawa. Later that day I went to pick Bubba up. Tunay nga na may sakit ang pobresita! She was so thin and weak and badly infected with ticks. Iyon bale ang sakit niya, nasobrahan ng garapata!! No exag, naubusan na yata siya ng dugo kasi hinang-hina talaga siya at saka halos hindi na makalakad.
Long story short, I nursed her back to health and she's been with me ever since.
August 22, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment