Hit or miss. Narinig ko ang katagang 'yan noong mag-workshop ako sa PHR dalawang taon na ang nakararaan. Ang sabi ng aming facilitator, normal lang daw sa isang romance writer ang magkaroon ng di-kagandahang nobela paminsan-minsan. Hit or miss kumbaga.
Hindi lingid sa inyo na paborito kong writer si Ms. Rose Tan ngunit aaminin kong hindi ako gaanong nagandahan sa ilan sa mga likha niya nitong huli. Hindi ko na babanggitin ang mga pamagat dahil baka maimpluwensiyahan ko pa ang panlasa ninyo. Basta sa aking pananaw ay mga "misses" niya ang mga iyon.
Pero okay lang dahil aliw pa ding basahin kaya sulit naman ang ibinayad kong treinta y cinco pesos. Ang hula ko nagpapa-kondisyon pa siya siguro kaya ganoon. Hindi ba't matagal siyang hindi naglabas ng libro?
Anyway, nabasa ko kanina ang latest niya sa Senorito series, si Braullio. She's back! Galing! Mahirap i-kahon ang kuwento kasi hindi siya tear jerker at hindi din naman siya comedy. Well, in a way, comedy siya pero hindi siya laugh-out-loud funny gaya ng nakasanayan na natin sa panulat ni RT. Kung iyon ang hanap mo, hindi mo iyon makikita sa nobelang ito.
Hindi halata ngunit may lalim ang ilan sa mga nobela ni RT at kabilang si Braullio sa mga iyon. Maliban sa pinagtahi-tahing eksena, may isa pang lebel ang istorya. Isang lebel na sumasalamin sa "human condition" natin. Iyon ang nagustuhan ko sa kanya.
Truth...ito ang elementong nakita ko sa mga bida ng kuwento. Ipinapakita nila na kahit anong tayog ng isang tao, tao pa din siya, may kahinaang taglay. Tulad ko, tulad mo, tulad niya. Hindi natin puwedeng takasan ang bagay na 'yan dahil bahagi 'yan ng pagiging tao natin. Ang kailangan ay yakapin natin ang mga kahinaan natin at huwag gamiting dahilan para huwag nating mahalin ang sarili natin (Rangie) o hadlangan ang sarili nating lumigaya (Bray).
No comments:
Post a Comment