I met this person once, she's an avid PHR reader. Pinky ang pangalan niya at siya ang nagpakilala sa akin sa panulat ni Angela del Mar. As in para lang mabasa ko eh ibinili pa niya talaga ako ng kopya ng libro ng author na ito. Unfortunately, hindi ko na mahagilap yung libro ngayon. Marahil may nanghiram sa akin at hindi pa naibabalik kaya hindi ko masabi ang title. I'm like that, mahina ang memorya ko sa pangalan, mukha, at titles. Ang natatandaan ko lang ay kaunting eksena mula sa kuwento at syempre na nagustuhan ko siya.
Kahapon, dahil nasa area na rin lang ako ay sumaglit ako sa Precious Pages sa SM Manila. Doon ay nakakita ulit ako ng libro ni Angela del Mar, ang title ay "Ikaw Lang". Twenty pesos ko lang siya nabili kasi naka sale na siya. Back-issue na kasi, early last year pa yata na-release.
Kagabi binasa ko yung libro at muli, sobrang naiyak na naman ako. I've only read three books from this author at lahat ng mga iyon ay pinaiyak ako. Ganoon siya gumawa ng kuwento, nakakaiyak talaga. Kanina nga, binabalik-balikan kong basahin ang mga eksenang naantig ang puso ko. Ganyan ako kapag nagustuhan ko ang isang libro.
The story is about not settling for less than your dreams which by the way is my personal philosophy. Sobrang mahal kasi ni Diandra ang nobyo niya kaya kahit labag sa kagustuhan ng ina niya ay nakipag-live in siya dito. Only to find that months later, hindi din pala niya kayang siya lang parati ang nagbibigay. Alam niyang mahal siya ni lalaki kaya lang hindi sapat ang pag-ibig lang. She wanted kids and she wanted a wedding ring. Mga bagay na hindi kayang ibigay sa kanya ni Ethan. And so, she left him.
Ang pangyayaring ito ang gumising kay Ethan. Noon lang niya na-realize kung gaano siya naging unfair kay Diandra. Noon lang din niya na-realize na hindi pala niya kaya ang wala si Diandra sa buhay niya.
Mahirap gumawa ng kuwento na single point of view lang. Hindi mo kasi maipahiwatig ng mabuti ang nararamdaman ng hero, parating side lang ng heroine. Pero sa kuwentong ito, kahit single point of view siya ay damang-dama ko ang pangungulila ni Ethan para kaya Diandra. Sabi niya sa ending, "Nasubukan ko na ang buhay nang wala ka. Isang bangungot iyon. Hindi ko kaya, Di, ang wala ka sa buhay ko. Hindi ko kaya." *sniff*
March 09, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment