November 27, 2004

what makes a good novel?

"what makes a good novel?" 'Yan ang tanong ng kasama ko sa mailing list na kinabibilangan ko at `eto naman ang naging tugon ko...
Susme! Aking katotoo, di yata't kay hirap namang sagutin ng iyong katanungan. What makes a good novel? Makulay na characters ba? Mabilis na pacing? Buhay na buhay na paglalarawan? Nakakaiyak o nakakatawang plot? Beats me. *kibit-balikat* Hindi ko din alam at duda akong malalaman ko ang sagot dyan ngayon o sa hinaharap. I guess depende yan sa nagbabasa. Marami ang nagsabi sa akin na maganda daw ang "the alchemist" kaya bumili ako ng kopya, binasa ko ang simula--isang taon na sya sa akin hanggang ngayon hindi ko pa din natatapos. Iba lang marahil ang panlasa ko kaya hindi ako nagandahan sa kanya. I think it was April who posted something similar to the point I'm driving at. Sabi nga ng cliche, beauty is
in the eye of the beholder.

What makes a good novel...Alam mo, parehas lang tayo, iyan din ang madalas kong itanong sa sarili ko dati. May mga theories naman akong narating (emphasis on the word theories kasi haka-haka ko laang at plural kasi dalawa sila). Una na ang pagiging alpha male ng bidang lalaki ala Lorenzo Empire slash Lothario slash MC novels. Ikalawa, ang pagiging "out of the mold" ng mga kuwento tulad ng mga gawa ni Rose Tan at Arielle. Whether or not tama ang haka-haka kong `to, hindi ba't pangit naman kung sasadyain nating tularan ang panulat nila para lang magarantiya na papatok ang mga libro natin? Lalabas kasing hindi na ang "totoong" tayo ang author ng libro natin. Kumbaga ay nawalan na tayo ng identity, nawalan na tayo ng self... and where's the fulfillment in that?

My advice is don't pressure yourself too much. Huwag mong hayaang pangunahan ka ng takot. Magsulat ka lang ng magsulat. Hindi man magustuhan ng lahat, mayroon at mayroong matutuwa sa libro mo. Hindi puwedeng wala. And from the few, over time they'll increase in number. Yan ay kung pananatiliin mo ang kalidad ng panulat mo.

Kailan lang tinanong ako ng kaibigan ko kung nakakasulat na ulit ako. You see, dumanas kasi ako ng dry spell recently. Ang sagot ko oo pero hirap pa din ako kasi napi-pressure ako. Aminado akong kasalan ko din naman kaya ako nagkaganoon. Pini-pressure ko kasi ang sarili ko. Gusto ko kasing maging magandang-maganda-maganda ang kuwento ko. Katwiran ko, how can I jump higher if I don't raise the bar? Isa pa, ayokong biguin ang expectations ng iba sa akin, imagined or otherwise.

Ang payo sa akin ng kaibigan ko, huwag ko daw intindihin ang iisipin ng ibang tao. Bumalik daw ako sa pinagmulan ng lahat. Bakit ba daw ako nag-shift ng career? Bakit ko ba daw napiling magsulat? Ang sagot: kasi gusto kong magsulat. Iyon na `yon. Tapos ang usapan. Gusto kong magsulat kaya magsusulat ako.

Ikaw din, huwag mong isipin ang ibang tao. I-pursue mo lang ang interes mo. Ang kailangan mo lang naman ay panahon, right attitude, tiyaga at disiplina sa sarili. Ang talent naman ay nahahasa. Besides, you'll never know if you do have the talent unless you try.

And finally, kung ang kagandahan ng novel ay makikita batay sa dami ng bumibili, dehado ang mga nagsisimula pa lang dahil wala pa silang masugid na mambabasa. Mas marami ang mga nobelista ngayon. Mas mahigpit ang competition. Pero kung hindi tayo magsusulat at maglalabas ng libro, kailan pa tayo magkakaroon ng masugid na mambabasa? We have to write now. We have to write frequently. We have to write well. It's a tall order but it's the only way to earn our fan base.

No comments:

Post a Comment