November 08, 2004

do the incredible!

Last Saturday pa ako kating-kati na panoorin ang pelikulang 'to kaya lang baby shower ni Ella so like it or not, kailangan kong i-postpone until the following day ang panonood.

The following day. Maaga pa lang kinuntrata ko na ang aking watch-a-movie partner na si andre na panonoorin nga namin ang The Incredibles. Si Andre ang nag-set ng oras, ala una daw kami aalis that way makakapag-movie marathon kami.

Ala-una. Bihis na ako. All set and ready to go. Hinihintay ko na lang ang aking peyborit nephew. Aba! ang magaling nakatulog yata. Bilang butihing tita, hinayaan ko na lang muna siya dahil baliktad ang body clock niya. So i waited...and waited...Alas tres, Alas kuwatro....hindi pa din siya nagigising!! Di ko na ma-take, kinatok ko na siya sa kuwarto niya...Susme! tulog mantika ang binata...

Kaya ayun ako, di mapakali. Hot na hot na `ko manood pero wala akong magawa. Ayoko naman manood mag-isa...so naghintay pa ako... Nanood na lang muna ako ng TV. Kaya lang ang nakakainis, parang nananadya ang tadhana dahil maya't-maya ang pakita nila ng trailer ng The Incredibles! Kung di ba naman...

Bandang alas siyete. Nagising din SA WAKAS ang magaling kong pamangkin. Game na. Okay na. off to the cinema na sana kaya lang...nag-request ang hijo, manonood pa daw muna sya ng Survivor! waah! kaloka!!

Sa kinatapusan, umabot naman kami sa LFS.

ang galing! sobrang galing! hagalpak talaga ako sa tawa.
highly recommended!
two thumbs up!

Buod:
Dating pamosong super hero si Bob Paar o Mr. Incredible kaya lang dahil napulitika sila ng mga kauri niya, napilitan siyang mabuhay bilang ordinaryong mamamayan. Maraming taon ang lumipas, hindi pa din nakakapag-adjust si Bob sa bago niyang buhay. Hinahanap-hanap pa din niya ang glory days niya bilang super hero. Ang nais niya ay maulit muli ang panahong iyon. Hanggang sa isang araw, nakatanggap siya ng isang misteryosong mensahe na naging daan para makamit niya ang kanyang minimithi...


No comments:

Post a Comment