October 08, 2004

shelf

tama! gagawa ako ng series. excited na excited ako nang unang pumasok sa isip ko ang ideyang iyan. nakabuo na ako ng konsepto, nakagawa ng series proposal, at nabigyan na din ng go signal ng publication. ayos na sana ang lahat. in fact, may logo at lay out na nga akong ipo-propose (tingin sa kanan please--gawa yan ng pamangkin kong si andre).


ang kulang na lang talaga ay ang manuscript mismo.


ewan kung bakit mahigit tatlong buwan ko na siyang ginagawa pero hanggang ngayon ni isang MS ay wala pa akong natatapos. usually sampung chapter lang ang isang MS, inabot na ako ng chapter 12 sa book1 pero hindi ko pa din siya maisara. isa lang ang maaari kong i-conclude. marahil hindi pa talaga hinog ang seryeng ito, hindi pa niya panahon. like a person trapped in an unhealthy relationship, its time for me to break free and move on. sapat na siguro ang tatlong buwang ibinigay ko sa kanya. mahirap man ay kailangan ko siyang kalimutan...pansamantala.


simula ngayon, itatago ko muna siya sa aparador

No comments:

Post a Comment