October 15, 2004

humor coated angst

now here's what vanessa has to say about the blog...

Re: that grotesquely stupid blog from a typical gen Y konyita *hingal*

Planet Starbucks na kasi ang ginagalawan ng isang tipikal na konyita/konyito.Ibig kong sabihin, para sa kanila, para bumagay ay kailangang ikahiya ang Tagalog romance. sila ang tipong makikita mong nandidiring mapatingin man lang sa TR section sa NBS pero ang totoo, kilala naman lahat ng romance novelist ng panahon ngayon.

Kung malalaman kaya nilang ang mga librong pinandidirihan nila ay isinulat ng mga taong nagtapos sa UP, Ateneo, La Salle at mga sikat na universities, mababago kaya ang opinyon nila? Hindi na mahalaga. Hindi naman din kasi mahalaga ang eskuwelahang pinaggalingan ng isang writer. Isa lang naman ang mahalaga kung gusto mong maging writer: talent.

Iniismiran tayo ng mga `yan pero pasubukin mong sumulat ng Tagalog romance, hindi naman makakagawa.

ilalagay ko lang dito ang komento ng isang sikat na writer (hindi romance) tungkol sa libro ko.
---
"kinuwento ko sa girlfriend ko na hindi ko na inisip kung tama ang grammar, kung okay ang plot, kung may literary value--wala na ko doon... basta ang alam ko nag-eenjoy ako habang binabasa ko...


"the point is, i was already having too much fun reading the work to judge it. in short, entertaining po talaga.

"kung sakaling ibang-iba ang opinyon ng iba at mas marami sila, lalabas na nambobola ako.... pero uulitin ko: wala na ko doon."
---

siguro nga, kuwestiyonable ang literary value ng romance, pero kung gusto mo ng matinding basahan, eh, bakit ka nga bibili ng romance? pero kung entertainment value ang pag-uusapan, maging yung idol ko sa panulat, nagsasabing entertaining ang mga librong tulad ng sa atin.

nakakatawa minsan mag-isip ang ibang tao. sariling gawa ng Pinoy, nilalait.

mahirap magsulat. kung hindi ka writer, hindi mo maiintidihan. mahirap magsulat ng romance. kung writer ka pero hindi romance writer, hindi mo maiintindihan. napakaliit ng iniikutan ng romance. sa romance, bawal ang hindi happy ending. hindi puwedeng ikumpara ang romance sa love story. magkaibang-magkaiba ang dalawa. sa love story, kahit mukhang pasa ang bida mo, okay lang. sa romance hindi.sa love story, patayin mo man ang bida sa huli, walang problema, sa romance hindi. sa love story, nagkakatuluyan ang tricycle driver at isang tindera ng isda. Happy ending na kung makasal sila at makakain ng tatlong beses isang araw. Sa romance, hindi puwede `yan.

sobrang liit na espasyong maaaring ikutan ng romance writer pero nagagawa nating ibahin ang kuwento bawat libro. para magmukhang iba-iba. para may bibili ulit ng libro natin. hindi nila nakikita `yong effort doon.

at `yung nagsulat ng blog na `yon... kahit umubos siya ng napakaraming espasyo para sa mga blogs niya, hinding-hindi siya magiging isang Martha Cecilia.

yun lang yun e.


No comments:

Post a Comment