Showing posts with label aking_akda. Show all posts
Showing posts with label aking_akda. Show all posts

May 06, 2009

released today


PHR 3035 Along Came Billy by Almira Jose



Komplikasyon ang isang bagay na wala sa buhay ni Lia. Nag-e-enjoy siya sa trabaho niya at blooming ang love life niya. Sa pangkalahatan ay masaya siya, kontento. Enter Billy Duque, ang mensahero ng balitang nagdulot sa kanya ng ibayong lungkot at ligaya—not to mention, nagpabago sa buhay niya.

Hiningi ng pagkakataon na makasama niya ito sa iisang bubong. Sa pagdaan ng mga araw ay natuklasan niyang hindi naman pala ito boring gaya ng unang inakala niya. Mabilis na umusbong ang pagkakaibigan nila. Before long, she found herself falling for him. It was inevitable. He was kind. He was sweet. He was charming.

And he was also taken… and so was she.

Samakatuwid, isang guwapo at simpatikong komplikasyon si Billy.

Check out this link for more.

February 26, 2009

coming soon

A reader requested that I write a book using her name for the lead character.
I did just that. Yesterday, I learned that it got okayed.

Here's the unedited teaser:

Title: ODRI

Odri has a very big secret. She was in love with her best friend Jack. Wala itong ideya na may na-raramdaman siyang espesyal para dito. Pinili niyang sarilinin ang pagtingin niya dahil para ano pa? Hindi rin naman nito maibabalik ang damdamin niya dahil may iba na itong mahal. Sa katunayan ay malapit ng ikasal ito, sa kanyang labis na pagkadismaya.

Sumapit ang araw ng kasal. Lahat sila ay nawindang nang hindi sumipot ang bride nito sa simba-han. She could not believe her best friend got jilted at the altar! Labis ang pagdadalamhati nito at naroroon siya para tulungan itong malampasan ang kabiguan nito. Sinamahan niya ito nang magpasya itong lumayo pansamantala.

At isang gabi ay nakalimot sila…

Hindi pa siya ganap na nakakahuma sa namagitan sa kanila ay saka naman lumitaw sa eksena ang runaway bride nito. At ang kanyang magaling na kaibigan, pinatawad at nakipag-balikan pa rin sa babae nang-Indian dito sa altar—sa kabila ng lahat.

Paano na siya?

January 16, 2009

sensya na, tao lang

Gumawa ako ng listahan ng mga gusto kong batiin--at ng mga nagpapabati at nagre-request na ipangalan ko ang mga characters ko sa kanila. Ang kaso, nawala ang linsyak na listahan. ay sus!

Sa mga napangakuan ko (lalo na sa friendster), pasensya na po. Sana mabasa ninyo ang post na ito. Sakali mang mapadpad kaya dito. Paki-click na lang ang comment box sa ibaba ng post na ito at pakilagay ang pangalan/request ninyo.

Salamat.

November 12, 2008

one more time - another reprint

ALL I WANT IS MY GIRL CHRISTMAS

Palibhasa ipinanganak ng araw ng Pasko, likas na kay Christmas, aka Cee-cee, ang pagiging matulungin sa kapwa niya. She was sunny, cheerful and merry. Wala nang lalambot pa sa puso niya. Hindi siya marunong magalit at minsan sa isang taon lang kung sumimangot siya. She was forever an optimist and a living and breathing good Samaritan. Sa katunayan, isa siyang volunteer sa isang foundation na kumakalinga sa mga batang palabuy-laboy sa kalsada.

But one December morning, hindi batang palaboy kundi isang lalaking hindi na makahinga sa sobrang atake ng hika at may gabundok na galit sa mundo ang sinagip niya—si Luigi Arellano. He was grouchy, grumpy and testy. Katumbas nito ang sampung old maids na may PMS. Aktibong miyembro ito ng Samahan ng mga Bato ang Puso, record holder ng kasungitan, at nuknukan ng kasupladuhan.

Akala ni Cee-cee, iyon lang ang tulong na maibibigay niya kay Luigi. Pero hindi pala. Kailangan niyang turuan itong magmahal uli.

Would love blossom between Miss Big Heart and Mr. Truckload of Emotional Baggage?



September 23, 2008

unforgotten

Just a little backgrounder, although Unforgotten Love wasn't my first published novel, it was the very story I wrote. It was rejected TWICE before finally getting the okay. Years later, it's out on the shelves again. I'm honored and flattered that my publisher chose to reprint it.


Punung-puno ng insecurity ang buhay ni Laurice. At sinisisi niya ang kanyang ina dahil doon. Sa buong buhay niya ay hindi niya naramdaman ang pagmamahal nito.

Nang makilala niya si Basti ay biglang nagkakulay ang kanyang mundo. She fell in love with him the first time she saw him. Lalo pa siyang natuwa nang malaman niya na may katugon din ang damdaming iyon. Pinunan ng pag-ibig nito ang mga puwang sa kanyang puso na nilikha ng kanyang mama.

Ngunit bumalik ang insecurity niya nang pasukin nito ang mundo ng musika. Alam niya kung gaano ka-demanding ang ganoong propesyon. But she was ready to sacrifice. Ayaw niyang agawin ang kaligayahang nakikita niya rito kapag umaawit ito.

Subalit may natuklasan siya. Tila hindi lang career nito ang kaagaw niya sa atensiyon nito...


Mahirap para kay Laurice ang paglimot kay Basti; ngunit kailangan niyang gawin iyon, gaano man kalaki ang pag-ibig niya rito. Marahil nga ay hanggang doon na lang sila. She had to move on with her life.

But when she had finally gotten over the pain of losing him, saka naman ito nagbalik sa Pilipinas. Sa pagkikita nilang muli, nais sana niyang sumbatan ito sa ginawa nito noon. Pero inunahan siya nito ng galit na para bang siya ang may kasalanan kung bakit sila nagkahiwalay. Lalo pa at may nadiskubre ito sa kanya na inakala nitong matagal niyang inilihim dito.


Alam niya sa sariling mahal pa rin niya ito. Pero kaya pa ba niyang magtiwala? Isa pa, kaya ba niyang buwagin ang pader na iniharang nito sa sarili?

September 05, 2008

overthinking again

Camilla and I were talking yada-yada last Saturday when out of the blue I asked her how long does she sit in front of the PC. Translated, this question meant how many hours in a day does she spend writing. The answer she gave me was this: "Halos hindi na ako tumatayo."



Grabe. No wonder she's last years second most prolific writer. This year she claims that she'll get number one. I believe her. Last year her output was in the fifties. Now I'm sure it'll be in the sixties. A far cry from my pathetic six! Boo-hoo me. Really pathetic and I hate myself with a capital H for it.



I wanted to tell her, "Ako rin naman."



This is true. In any given day I spend close to 16 hours in front of the PC. The sad difference between us is that my short attention span prevents me from making those 16 hours as productive as I would want them to be. Focus is something lacking in my genes. I'm not exaggerating about this. Even if I'm only chatting with my friends, I jump from one topic to another without being aware of it. ADD? I guess so. Sometimes I even think I have Asperger's Syndrome. But then again, that's probably just the hypochondriac in me talking.



There's this phenomenon they call creative trance or lucid dreaming. I've experienced this. Any creative writer, esp. the prolific, I'm sure have been through one. The thing with me is whenever I find myself in this state, I tend to doze off. Pray tell, how then will I be able to write when I'm asleep?



To combat this, I drink coffee. Loads and loads of coffee--hence the insomnia. Or energy drinks. RIght now I have three bottles of Cobra chilling in the fridge for later, hehe. The only problem is, when my head's buzzing with caffeine, I find it difficult to dive into the writing zone.



My oh my, what a nasty cycle I've managed to weave myself into.

August 06, 2008

kita-kits

I haven't heard from the editors for a while now so I really thought they postponed this. Hindi pala.

Edit: Di ko maayos yung screen caps. Anyhoo, here's the link

June 07, 2008

para kay nats at jek

hi guys... read your posts sa guestbook...
im soooo glad your liking the series so far
sensya na, di ako maka-reply sa inyo doon
cause for some reason i cant access the gb site
anyhoo... meet the rest of my boys
wala na munang teasers ha
para surprise, hehe

















April 10, 2008

coincidence

Currently watching SUPERMAN RETURNS on cable whilst writing the tenth installment for my upcoming series. If all goes well, it'll probably be released by next week or next, next week.

The coincidence lie in the illustration I chose for Zeke. That's my character's name. It's none other than Superman himself, Brandon Routh. As a rule, I try not to use easily recognizable faces as reference for my book covers but I just couldn't resist this one time.

Afaic, B.R. is HOT!

March 26, 2008

sinawimpalad

heard just now that this one got rejected...
tsk.tsk. g'bye new swimsuit :(
oh well
i'm posting this here
para magkaroon naman ng pakinabang kahit papaano
hala sige. basa.

-----------------------------
Waiting Shed

SA KANTO ng kalye kung saan kami nakatira ay mayroong isang waiting shed. Lumang-luma na iyon. Hindi pa ako tumutuntong ng elementarya ay napapansin ko na iyon doon. Marahil hindi pa ako tao ay buhay na ang waiting shed na iyon.

Dala ng kalumaan ay halos wala ng silbi iyon. Tumatagas na ang tubig sa kisame niyon tuwing umuulan. Bungi-bungi na kasi ang balungan niyon na yari sa pininturahang tisa. Mainam lamang iyon bilang pananggalang sa sikat ng araw.

Karaniwan ay doon naglalagi ang mga biyaherong naghihintay ng jeep na patungong Maynila. Kalimitan ay doon din kami nag-aabang ng masasakyan ng mama ko kapag isinasama niya akong magsimba sa Quiapo. Deboto ng mahal na Poong Nazareno ang mama ko.

Naalala ko ang nangyari sa amin nang minsang magsimba kami. Pauwi na kami nang mapilitan kaming huminto pansumandali sa waiting shed. Napigtal kasi ang tirante ng bag ng mama ko at kailangan niyang ayusin iyon kundi ay sasambulat ang dala niyang mga gamit.

Tanda ko pa na ibinili niya ako noon ng ibong maya bago kami sumakay ng jeep pauwi. Aliw na aliw ako dahil matingkad na kulay asul ang maya na iyon. High-school na ako nang malaman kong dala lang pala ng tina kaya ganoon ang kulay ng ibon ko.

Habang abala ang mama ko sa pagkukumpuni ng bag niya ay inabala ko naman ang sarili ko sa aking bagong alaga. Doon ko binuhos ang lahat ng atensiyon ko kaya naman nagulat ako nang bigla na lang akong balingan ng ina ko.

"Bakit ba?" pagalit na tanong niya sa akin.

"Po?" maang na balik ko naman. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong ginagawa na dapat niyang ikayamot kaya takang-taka ako.

"Bakit mo ba ako kinakalabit. `Kita mong may ginagawa ako. Maglaro ka na lang diyan at huwag mo akong guluhin."

Mas lalo kong pinagtakhan ang sinabi niyang iyon dahil hindi ko naman ginagawa ang paratang niya sa akin. Pero kaming dalawa lang ang tao sa waiting shed nang mga sandaling iyon kaya kung may kumakalabit sa mama ko at hindi ako iyon ay sino pala?

Sinabi ko sa kanya na nagkakamali siya ng akala pero halatang hindi siya naniwala sa akin. Gayunpaman ay wala na siyang ibang sinabi pa. Itinuloy na lamang ulit niya ang naudlot na gawain. Ang buong akala ko ay iyon na iyon pero mayamaya lamang ay binalingan ulit niya ako.

"Ano ba naman anak, huwag ka ngang makulit diyan. Huwag mo akong kalabitin ng kalabitin at naiirita na ako sa iyo."

Pasinghal na ang paraan ng pagwika niya sa akin kaya alam kong mainit na talaga ang ulo niya. Hindi ko na iginiit ang totoo. Kapag ganoong mainit na ang ulo niya ay tumatahimik na lang ako. Nag-'sorry po' ako sa kanya kahit na alam kong wala naman akong dapat ihingi ng paumanhin.

Mas gusto ko na iyon kaysa naman mapalo pa ako ng walang dahilan. Pero sa kinatapusan, ang iniiwasan kong mangyari ay nangyari din. Sa ikatlong beses na binalingan ako at pinagbintangan ng mama ko na kinakalabit ko siya ay hindi na siya nakapagtimpi. Lumapat ang step-in niya sa pang-upo ko. Hindi lang iyon, binawi pa niya ang ibon ko at ibinigay sa kapatid ko pagdating namin sa bahay. Ang sama-sama ng loob ko nang araw na iyon.

Kung hindi ako nagkakamali ay anim o pitong gulang pa lamang ako nang mangyari ang insidenteng iyon. Ngayon ay beinte dos na ako. Ubod na tagal na panahon na buhat nang maganap iyon. Ang totoo ay nawala na iyon sa isip ko. Pero dahil sa nangyari sa akin kanina ay bigla ko iyong naalala.

May klase ako sa review center nang hapong iyon. Naghahanda kasi ako para sa board exam namin. Mechanical engineering ang kursong natapos ko. Pauwi na ako nang maisipan kong tumigil muna sa waiting shed para mag-yosi.

Tahimik lamang akong nakatayo sa isang tabi habang pinupuno ng nikotina ang baga ko nang dumating ang dalawang babae. Tumayo sila sa harapan ko, panay ang huntahan at hagikgikan. Ang una kong naisip ay malamang ay nagaabang sila ng masasakyan. Napatunayan kong hindi ako nagkamali ng sapantaha nang parahin nila ang paparating ng taxi. Pero may lulan iyong pasahero kaya hindi rin sila nakasakay.

Nilapitan ko ang matandang tindera ng sigarilyo na nakapuwesto sa kabilang dulo ng shed at bumili ako ng isa pang stick ng Marlboro. Pagkatapos ay nagbalik ako sa dati kong kinatatayuan. Aaminin kong naaliw ako sa dalawang babae dahil pareho silang maganda.

Lumipas ang ilang minuto. Nilingon ako ng isa sa dalawang dalaga. Nakapilig ang ulo niya at nagtatanong ang ekspresyon ng mukha niya. Nagtatanong din ang ekspresyong tiningnan ko siya. Mukhang nainis siya sa akin. Ganoon na lang ang irap niya sa akin bago siya pumihit paharap.

Napakibit-balikat na lamang ako. "May sayad siguro ang isang ito," sa loob-loob ko.

Mayamaya ay ang kasama naman niya ang lumingon sa akin. Mukhang may nais din siyang itanong sa akin base sa ekspresyong nakalarawan sa mukha niya. Wala naman siyang sinabi kaya hindi na rin ako kumibo. Ano naman ang sasabihin ko? Halatang nainis din siya sa akin. Inirapan din niya ako at saka umismid sabay talikod.

Nawi-weirdo-han na ako sa dalawang babae. Panay ang bulungan nila at pagkatapos ay manaka-naka ay susulyap sa akin. Ang lakas nilang mag-trip. Mabuti na lang at mayamaya lamang ay may humimpil na taxi at isinakay sila.

Malapit ng maubos ang sigarilyo ko nang maramdaman kong may kumalabit sa balikat ko. Awtomatikong napalingon ako pero wala naman akong nakitang tao sa likuran ko.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang tumindig ang mga balahibo ko sa batok.

Luminga-linga ako at natanto ko na ako na lamang at ang matandang tindera ng sigarilyo ang tao roon. Pero nasa magkabilang dulo kami ng waiting shed kaya malabong mangyari na siya ang kumalabit sa akin.

Ipinagkbit-balikat ko na lang ang nangyari. Bitak-bitak na ang kisame ng waiting shed at marahil ay mayroong nahulog na maliit na piraso ng tabla mula sa taas. Iyon malamang ang tumama sa balikat ko na ipinagkamali ko bilang kalabit ng tao.

Hinagis ko na ang upos na hawak ko at nasa aktong dinidiinan ko na iyon ng takong ng sapatos ko nang makadama na naman ako ng kalabit sa balikat ko. Napalingon ulit ako. Kagaya ng nangyari noong una ay wala pa rin akong nakitang tao sa likuran ko.

Sa ginawa kong paglinga ay nagkasalubong ang mga mata namin ng matandang tindera.

"Boy, tigilan mo na ang paglingon-lingon at wala ka talagang makikita," wika niya sa akin.

"Ho?"

Nagpaliwanag siya. Nalaglag ang panga ko nang malamang may multo palang nananahan sa waiting shed na iyon. Ewan ko kung maniniwala ba ako sa narinig ko o hindi.

"Ba’t dito pa ho kayo pumuwesto kung totoong may multo dito?" tanong ko.

"Sa tinagal-tagal kong nagtitinda dito ay wala pa naman akong nasasaksihan na dapat kong ikabahala," aniya. Mukhang mabait naman daw ang multo. Iyon nga lang, mahilig daw magbiro iyon. Joker, wika nga.

Naglalakad na ako pauwi ng bahay namin ay saka ko lang napagtagni-tagni sa isip ko ang dahilan kung bakit ako nilingon at tiningnan ng masama ng dalawang babae. Malamang sa hindi ay kinalabit din sila ng multo at ako ang napagbintangan nila. Saka ko lang din naalala ang insidenteng nangyari sa amin ng mama ko noon na nauwi sa pagpalo niya ng tsinelas sa puwit ko.

Anak ng tokwang multo iyon, pahamak sa buhay ko.

March 19, 2008

malapit na!

the independent story that started it all
the prelude to my new series is out already!
im super excited...
and super pressured to finish the series
yay!




Lumaking sheltered sa mundo si Faith. Graduate na siya sa college nang matikman niya ang wika nga ay tamis ng unang pag-ibig. And it was all courtesy of Andrew, ang ex-basketball star turned sports shop owner na isang araw pagkatapos niyang makilala ay pinaulanan kaagad siya ng romantikong atensiyon.


He was quite the charmer. Walang kalaban-laban ang puso niya dito. First crush, first suitor, first kiss, first love, first you-know-what--iyon ang binata sa buhay niya. Sa maiksing panahon ay naging maligaya siya sa piling nito. Hanggang sa matuklasan niyang niloloko lang pala siya nito.

Pinakyaw na nito lahat ng 'first' niya, pati ba ang first heartache niya kailangan din niyang ibigay dito?

-------------------------

*Spoiler Alert*

"WHAT?!" nanlaki ang mga mata at hindi makapaniwalang bulalas ni Andrew. Tuluyan na niyang nakalimutan ang pangangalam ng sikmura niya matapos marinig ang nais mangyari ni Stephanie. Sa lanai sila humantong matapos iwan si CJ sa komedor. Wala kasing tao sa bahaging iyon ng bahay. Hindi pa man nag-iinit ang pang-upo niya sa silya ay inilahad na kaagad nito sa kanya ang plano nito.

"So, are you going to do it?"

"Are you crazy? No way!" maigting na tanggi niya.

Hindi siya makapaniwala sa nais nitong ipagawa sa kanya. It seemed like something straight out of a movie. Gusto nitong kaibiganin niya ang kapatid na dalaga ng boyfriend nito. Kung iyon lang ay wala siyang reklamo. Friendly naman siyang tao. Subalit hindi lang pakikipagkaibigan ang nais nitong gawin niya. In due time, ibig nitong ligawan niya hanggang sa mapasagot niya ang babae.

"Okay, supposing I agree to do this crazy scheme of yours? What happens after she says yes? Paano kapag naging kami na?" tanong niya.

"I haven't thought about that yet. Pero malay mo, kayo pala talaga ang para sa isa't isa."

He doubted it. Ang sabi nito ay may pagka-manang daw ang babae. Hindi ganoon ang tipo niya. Ayaw niya ng babaeng kimi. He wanted his women to be strong-willed and independent. He wanted an equal. Ayaw niya ng doormat.

"Malabo 'yon."

November 11, 2007

meet my boys

Like I said in my previous post, here's a "patikim" of my new series
My apologies for the crappy images, these are just screencaps from my word file














Of course, the layouts you see here are just something I did and its not how the books are gonna turn out later. They'll be using the guys here as reference for their illustration though. Yipee!

I'm glad Ms. Tere let my request slide. You see they've stopped accepting pics for cover reference. For the time being at least because they have a slew of illustrations in stock that they have yet to use. But since my guys needed to be shirtless to go along with my proposed layout, she took my case as an exception

Just so you'd know, I changed CJ's pic. I'll be submitting something different from the one you see here. That's coz I realized Victor Basa's face is a tad recognizable if you know what I mean.

October 17, 2007

your feedback please

I wanted to try my hand at writing something scary. Why? I wanted to see if I could do it. And because I found myself stumped with my TR thing again last night, I decided to work on my scary short story instead. This is how it turned out... IMHO, I don't think it's scary, more like gory. Eww.

-----------------------------------------

Had to delete it `cause it got okayed
Well, technically I have yet to revise it
But that's where it's headed


October 06, 2007

Q&A

A few days back, a certain student e-mailed me some questions for her paper. Being the accommodating person that I am, I of course obliged. Here's how the e-mail interview went:

What made you start writing romance novels? And why do you write romance novels?
Reading romance novels has always been my passion since I was ten. To this day, I have yet to outgrow my fondness for the genre. Writing seemed like a natural progression for me. Save for when bouts of writer's block plague, I generally derive pleasure from writing romance novels. That's the primary reason why I write them. It's fun to create characters and make-up stories. The payoff comes from knowing that someone somewhere at one time or another found pleasure (even if it's in the slightest degree) in reading my work.

Who are or what are your inspirations?
I can't really give you a definite answer for this since I get my inspiration from any number of sources. As I've said, I love reading romance books. I also love watching films and I have this habit of observing people in public places, how they behave, how they react etc. all the while, I'm making up stories in my head as to why they're that way.

Describe your ideal man. Describe your ideal woman.
Human, that is he/she is not perfect (this makes them interesting, imo) but despite imperfections they strive to be better people. In essence, he/she must be good, kind and fair.

What are the primary insights and ideas you wish to convey when you write romance novels?
There was a time when I felt I had an obligation to make a conscious effort to incorporate socially relevant messages in my stories. That was before I realized that doing so would defeat the main purpose of the genre, which is to entertain the readers.

Readers read romance novels because they want to "escape" reality NOT be reminded of it. I figured, helping them forget their worries even for a while is service enough.

Do you aspire to be in similar situations depicted in your novels?
Of course. The key ingredient of a romance novel is a happily-ever-after (HEA) ending. Who wouldn't want that?

A common theme in romance novels is the damsel-in-distress rescued by the knight-in-shining-armor. This has been disputed by feminist theorists (such as Angela Carter and Jane Yolen) as anti-feminist. Following this, the romance novel genre, while almost exclusively consumed by women, is actually against women because it gives them the wrong perception of dependence on man. Can you please share your insights concerning this?

IMO, critics dwell on the damsel-in-distress character because this is another excuse for them to make potshots at the genre. They choose not to acknowledge the fact that this character type is only one of several heroine archetypes (the boss, the nurturer, the free spirit etc).

Further, the damsel in distress theme is passe already. Sure there's still some around but I believe they are few and far between. That is, as far as CONTEMPORARY romance novels are concerned. Why? The key to enjoying a romance novel is being able to empathize and relate with the main character (usually but not always the heroine). As such, there should be parity between the traits of the modern day reader and the heroine. The more recent contemporary romance novels depict a more independent breed of heroines because that's generally how modern day women are--independent, won’t take crap if their lives depended on it, and they know what they want (it just so happens that what they want is their man)

I'm not a fan of historical romances so I can't really say if the damsel in distress plot is prevalent in this sub-genre. What I know is, the more popular(?) historical romances depict heroines that are freethinkers and can stand their ground. Much like Jane Austen's Lizzie Bennet from Pride and Prejudice.

April 25, 2007

pangarap ko

qNitong huli, nakaugalian ko ng magpasa ng mga pictures para magsilbing "inspirasyon" ng mga illustrators ng PHR para sa cover ng mga libro ko. So far, nakaka-tatlo na ako.

One Girl, One Guy, One Night...


Sa Habang Buhay, Ikaw at Ako...


at ang pinakahuling lumabas: Polly, My Love So Sweet


Ang galing nila no? I'm talking about the illustrators here. Parang pagkadali-daling gumuhit base sa larawan. Pero ubod ng hirap pala. Alam ko kasi minsan na akong sumubok na mag-illustrate. Nakakatawa ang kinalabasan ng artwork ko kaya hindi ko na pinursige.



Kitams! Nakakatawa diba? But give me credit for the girl's top. Kahit papaano nakuha ko naman sya..i think..the rest eh kailangan pa ng isa't kalahating kabang bigas.

Truth, gusto ko pa ding sumubok, mag-aral, mag-practice, hanggang sa hindi na kakatwa kundi maituturing na "puwede na" ang aking obra. Pero tsaka na lang, hindi pa ngayon, ayoko muna...

Ang masasabi ko lang sa ilan dyan na kinukutya/pinagtatawanan ang mga TR pocketbook covers ay subukan n'yo kaya...kayo ang gumuhit. It's not as easy as it seems. That's why I admire these artists, they have gifted hands indeed. Simple as it may be, these cover illustrations are a testament to how much talent we Filipinos have. Bow.

March 11, 2007

namaste

Problem: Kalagitnaan na ng Marso, uhaw na uhaw na sa post ang blog na 'to. Ang kaso, tinatamad pa akong magsulat
Solution: Ilalagay ko na lang ang tugon ko sa email ng isang kapatid sa panulat. Heto na...


Hello ******,

It’s so nice to hear from you again. I’ve been wondering how you were. Now I know you’ve been swimming in contemplative waters. The mystery of life’s meaning kamo? Hay naku, napakahirap sagutin ng katanungang ‘yan. I’m sure even the wisest of sages can’t figure that one out. Tayo pa kaya na mga ordinaryong nilalang lang? It’s so hard to keep up with life. Sometimes when you think you’ve got everything figured out and then life throws you a curb ball and you’re back to groping for answers again.

Kaya nga ako, pause muna sa pag-iisip. Pakiramdam ko kasi mababaliw lang ako nagpursige ako. For now, I just let things come and handle the punches the best way I can. Although I have to admit I’m scared shitless. Who wouldn’t be? Life is daunting. Agree or disagree?

Honestly, I’m not so sure anymore if I’m heading down the right track or not. Reality is a bummer, it keeps pulling my head out of the clouds. Problem is, I find the alternative roads before me to be less appealing. Utmost in my mind right now is this question: am I indulging myself too much to my own detriment? Nakaka-lokang mag-isip ng sagot sa tanong na ‘yan kaya nga sabi ko pause muna ako sa pag-iisip. What I know for sure is that the idealist inside me is putting up a great fight.

Now on to writing and money. Your friend is absolutely right. We shouldn’t dwell on our discontent because of the meager amount we receive. Of course that’s easier said than done. I try my hardest not to equate writing with money. Kasi kapag naiisip ko ‘yon, ang sama ng i-therefore-conclude ng utak ko. Nakakahiya mang aminin pero may mga pagkakataong naglalaro sa isip ko ang ideyang ba’t ko ibubuhos ang lahat-lahat-lahat ko sa panulat ko kung ang katumbas ay kakarampot lang naman? Mali eh. Ang sagwa. Kaya erase, erase, erase… Nanunood ka naman ng Dr. Phil di ba? I’m sure alam mo yung tungkol sa frequently used line niya about currency. Iyon na lang ang iniisip ko para hindi ako gaanong madismaya. The thing is, nadidiktahan ba ang utak?

* a very deep and long sigh *

Tama na nga ang introspection, sumasakit na ang ulo ko. Shrug off the worries na lang para masaya, di ba? Ngiti na lang tayo. Life will sort itself out.

February 01, 2007

out na ho

lumabas na series ko! lumabas na series ko! lumabas na series ko!!!
im so thrilled! hindi ako makapaniwala na hawak ko na ngayon sa aking mga kamay ang unang installment ng serye ko. kahapon pa ako nakabili ng kopya pero hanggang ngayon hindi pa din ako makahuma. iba pala talaga yung feeling kapag series ang lumabas kaysa sa regular book. lahat ng mas. mas nakaka-excite, mas-nakaka-aliw, mas nakakatuwa...

kuhang-kuha nila yung cover proposal kahit hindi mataas yung quality ng graphics na pinasa ko. truth is, mas naaliw ako sa cover. ang cute kasi eh. about the story, okay din naman siguro. kaya lang sa sobrang tagal kong pinagdusahan ang seryeng ito, parang nauta na ako kaya nang basahin ko wala ng dating. ang inaabangan ko ay yung book two, yung kuwento ni Tessa, kasi yun ang pinaka-paborito ko sa lahat.

heto nga pala yung teaser, the title is desperately waiting susan:


Dear Lovebug,


Help! Matagal na kaming mag-steady ng boyfriend kong si Carlos but up to now, he still hasn't mentioned anything about marriage. I'm afraid na kung hindi pa rin siya magtatapat ay baka mapalitan na siya sa puso ko. You see, I recently met this guy at nakakahiya mang aminin, pakiwari ko ay attracted ako sa kanya. He's kind and sweet at taglay niya ang mga katangiang hinahangaan ko sa isang lalaki.

Ayokong mag-isip ng masama tugkol sa boyfriend ko but I'm beginmning to think na hindi siya talaga seryoso sa akin. bakit ayaw pa niyang mag-propose hanggang ngayon?

And what about the other guy, si David, dapat ko na ba siyang iwasan? I hate to do so. I like him a lot at masaya ako kapag kasama ko siya.

Lovebug, I'm so confused. Please help me.

December 01, 2006

someday

sa tuwing makakaisip ako ng series idea, ang una kong ginagawa ay ang proposal ko para sa cover layout. hindi ko alam kung bakit. siguro dahil mas visual akong tao.

over the years, may mangilan-ngilan na rin akong naisip na serye pero lahat nasa utak ko pa rin hanggang ngayon. isa pa lang ang natatapos ko. sapilitan pa dahil nagkasubuan na kaya kailangang kumpletuhin.

five is to one ang ratio ko. meaning out of five series ideas so far, isa pa lang ang okay na. ang saklap! ang sarap mag-isip ng plot/series idea pero ang hirap i-'beef up' para maging manuscript. pinangunguhan kasi ako ng halu-halong ek-ek kaya ganoon. at saka napaka-impatient ko pa. gusto ko isang upuan lang tapos ko na yung manuscript. ang kaso, hindi naman ako superhuman.

minsan inorasan ko ang sarili ko, 1000 words in an hour ang pinakamabilis ko. ibig sabihin, kung tatapusin ko ang isang libro i'll have to make like mel t. as in beinte-kuwatro oras kailangang naka-super glue ang mga daliri ko sa keyboard.

and so, dahil alam kong hindi ko naman matatapos noon at noon din yung libro, tinatamad na akong simulan. ewan! ang labo ng mental process ko. medyo baliko lang naman. but that's just the way it is with me.

ang tagal kong pinag-isipan kung ilalagay ko ba dito sa blog 'to yung mga layouts na nagawa ko. baka lang kasi magaya, maunahan pa ako (paranoid ba?) up to this point, while i'm typing this paragraph, i'm still unsure if im going to upload the pics or not. pero naaaliw kasi ako sa kanila kaya parang ang sarap i-share. hay naku. bahala na. ang manggaya di marunong mahiya sa sarili.

ang cute di ba?

postscript:
ewan ko ba naman kung bakit ito ang inaatupag. dapat kina-career ko ngayon ang pagsusulat. kahit bumabagyo, amoy ko pa din ang simoy ng pasko. tapos nadagdagan pa ng isa ang listahan ko ng mga inaanak (see previous post)... gusto kong kutusan ang sarili ko. toink.

August 15, 2006

debilitated

I saw this book called 52 Fights: A Newlyweds Confession by author Jennifer Jeanne Patterson -- I want a copy! As in badly.

It brought to mind this series idea that I cooked up light years ago. I called it ENDURING. By the way, I tweaked the logo. This is how it looks now.



Up until now, the series' still lodge in my head somewhere. I know how come and it's because of this...

'This' is my biggest hurdle as a writer. I've got a couple or so series cooking in my brain right now but I can't find the will to begin any of them. They say reality is perception. Well, I perceive I don't have it in me to write said series the way I want them to turn out. So why write them at all? I want to be perfect but I'm not. I want to be really, really good, but I'm not. I want to be a lot of things that I'm not. I don't want to settle and it pains me that I can't avoid settling sometimes (okay, most of the time). All this equates to frustration--in big bold capital letters!!!

Experts say, one has to be realistic in setting goals. That's one of the ways to cure 'this'. Such being the case, realistically speaking, I know it's gonna be a looong haul before I learn to turn 'this' into a positive.

August 11, 2006

another ooh child day

I bawled my eyes out yesterday morning. Nag-follow up ako ng manuscript at ang sabi sa akin for revision (again!) yung pinasa ko. Double revision na siya bale. This is a first for me. Hindi ko talaga siya inaasahan. And I really felt bad about it. Ang resulta, waterworks. That's me, Ang laki-laki kung tao pero sobrang iyakin ko.

I felt frustration plus disappointment plus the dread of asking moolah help from my bro all at the same time. The last bit's a toughie. Hindi na kasi supportive sa chosen path ko ang kuya ko. Mabagal daw kasi ang asenso. So true. Alam ko disappointed at frustrated din siya sa nangyayari. We've talked about this already many times before. We just can't see eye to eye kaya para lang kaming nasa merry-go-round.

Yesterday, when I called, he let his wife do the talking. That's how I know that he's mightily displeased. My sister in law cited Ms. Zafra as an example. Apparently, in one of her articles, she stated something about writing not being a stable and financially rewarding career. Again, so true. I was asked, paano daw kung puro revision ang mangyayari. I asked myself the same question, pa'no nga ba?

Hindi ko din alam ang sagot. Ang alam ko lang, hindi pa ako handang bumalik sa "makinarya". And I'm not sure I'd ever be ready to. I could follow my brother's advice and take up nursing so I could go to the States where the money is. But I can't see myself being happy doing that either. I don't know if I'm being stupid or what. Tama nga siguro si Dr. Phil, lahat ng tao may kanya-kanyang "currency" and not all has a dollar peso sign on it. Ever since kasi, hindi ako na-motivate ng pera. I recognize it as something that I need but I won't bend myself backwards just to get it. Okay na sa akin ang sapat lang. Unfortunately, that ain't the case with writing. Ang bagal ko kasing magsulat. Why? Cause, every time I write, I go head to head with my self-doubt demons.

Libet, ever the great best friend that she is helped me get my mind off the whole deal by giving me an account of what happened to her at the doctors last Friday. Aray! I won't go into the details basta, kuwento pa lang, tunog masakit na. In light of what she's going through, minsan naiisip ko na wala akong karapatang ma- *insert synonym for "feel bad" here* sa kaliit-liitang bagay gaya ng revision. That stuff happens. At least, I've control of my problem. Nasa akin ang solution. All I've to do is write more so that eventually I could write better.

Okay, enough of that.

In other news. Since I wasn't in a writing mood the other day, I decided to work on my proposed layout for the series that I wrote. Medyo pa-cutie-cutie yung nagawa ko to match the logo that my nephew Andre did for me. Pero off tangent sa nilalaman ng mga kuwento kasi medyo seryoso yung series. Bahala na. Sana ma-aprubahan yung layout.



I asked this friend of mine who's good with graphics if she could help me with my layout. Pero hindi na rin natuloy yung hiling ko kasi nga ginanahan ako kaya ako na lang ang gumawa. I told her that and she commented something to the effect na, ang galing siguro kung ako na nga ang nagsulat, ako pa ang gumawa ng cover layout, tapos ako rin ang nag-drawing ng illustration.

Oo nga. Ang kewl siguro nu'n. Kaya lang yung last bit, mukhang malayo pang mangyari. I swore mag-aaral akong mag-drawing ng illustrations kaya lang hindi na ako nakakapag-sketch lately. Wala lang. I guess, wala lang ako sa mood.

This same friend me a text message saying that my book "Out of the Blue" is out already. Nagpunta ako kanina sa neighborhood talipapa para bumili ng kopya kaya lang nada. Ayoko ng dumayo pa sa malayo kaya hihintayin ko na lang yung compli copy. I can't wait.