http://gladyegimena.blogspot.com/2008/04/undying-romance.html
--------------------------------------------------
my comment on the post pending approval
--------------------------------------------------
isang malugod na pagbati sa iyo bb. gladi. una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa iyo at ibinahagi mo ang mga pananaw mo tungkol sa paksang ito.
kung iyong mamarapatin, gusto ko lang sanang ibahagi ang mga saloobin ko.
nakakalungkot isipin na sadyang marami ang bumabatikos sa panitikan ng tagalog romance. sang-ayon ako sa punto mo hinggil sa grammar, spelling atbp. lalong bumababa ang impresyon ng mga mambabasa/kritiko sa TR dahil sa mga nabanggit. isang konkretong halimbawa itong blog na ito mula sa isang dismayadong mamabasa.
mapunta naman tayo sa mga nabanggit mo hinggil sa kontento ng istorya. sa pagkakaintindi ko, hindi ka nasisiyahan dahil hindi mo makuhang "maglaro" sa iyong panulat. ngunit sa iyo na rin nanggaling na ang romance genre ay may sinusundang formula. kaya malamang ay nauunawaan mo ang dahilan kung bakit nililimitahan tayo ng mga publishers.
masasabing ang formula na ito ay hango lamang sa formula na ginagamit sa ibang bansa. formula na nakasanayan na at inaasahan na ng mga mambabasa. pinili nating magsulat ng romance--genre writing ang romance--samakatuwid pinili nating
isailalim ang panulat natin sa mga pamantayan ng genre na ito.
sa isang banda, may nabasa na akong mga libro kung saan lumihis sa formula ang manunulat (halimbawa: rape o phedophile victim ang bida) at sa tingin ko ay epektibo naman ang kinalabasan ng kuwento. suma-tutal, nasa paraan ng paghilot ng plot ang kasagutan.
ngunit ang paglihis sa kahon sa puntong mamatay ang bida o hindi magkakatuluyan ang mga bida, sa palagay ko ay ibang usapan na iyon. hindi na maaaring ikategorya sa kombensyonal na romance genre ang kuwento. huwag nating kalimutan na hindi talaga maaaring mawala ang HEA sa romance genre.
kung gusto nating magsulat ng kuwentong kakaiba, huwag nating asahan na malilimbag ito sa ilalim ng tagalog romance kung sadyang hindi ito maaaring ikategorya sa naturang genre.
marami pa sana akong gustong sabihin ngunit gahol na ako sa oras. kaya bilang panghuli, gusto ko lang sanang ipunto/ipaalala na ang romance genre sa kabuoan ay nagsisilbing behikulo ng mambabasa upang makalimot kahit pansumandali sa realidad ng buhay. kaya naman tungkulin natin bilang manunulat ng genre na ito ay tulungan silang makamit ang hangad nila.
peace :)
No comments:
Post a Comment